2014-04-15

"Tangi Kong Kailangan" by Lea Salonga (LYRICS)

Below is the lyrics for the song, "Tangi Kong Kailangan", a track recorded by Lea Salonga for the soap 'Dyesebel.' Click here if you want to purchase the song via iTunes.


"Tangi Kong Kailangan"
Performed by: Lea Salonga


Heto na naman ako
nagtataka, nalilito
na para bang ako'y hindi nababagay dito.

Sino nga ba ako?
'Yan ang tanong ko sa sarili ko
Sarili ko.

Sana lahat tayo'y nagkaka-intindihan
Sana wala tayong nasasaktan
Kung pwede lang
Kung pwede lang
Puso natin ay buksan

Kahit ako'y takot
Kahit ako'y nalulungkot
Kahit puso ko'y nasasaktan
Taas noo ako ay lalaban
Haplos ng pag-ibig dito sa puso ko
Ang tangi kong kailangan

Sana makilala mo
kung sino ba talaga ako
Sana'y maramdaman mo ang laman ng aking puso

Sana lahat tayo'y nagkaka-intindihan
Sana wala tayong nasasaktan
Kung pwede lang
Kung pwede lang
Puso natin ay buksan

Kahit ako'y takot
Kahit ako'y nalulungkot
Kahit puso ko'y nasasaktan
Taas noo ako ay lalaban
Haplos ng pag-ibig dito sa puso ko
Ang tangi kong kailangan

Walang mayaman
Walang mahirap
Walang nasa taas
Walang nasa baba
'Pag puso ng bawat tao ang tanging sukat

Isang magandang umaga ang naghihintay
Naghihintay

Kahit ako'y takot
Kahit ako'y nalulungkot
Kahit puso ko'y nasasaktan
Taas noo ako ay lalaban
Haplos ng pag-ibig dito sa puso ko
Ang tangi kong kailangan

Ang tangi kong kailangan
Sapat na ito.












--
"Imitating may be the best form of flattery, but not the best form of writing."

0 shout outs: