2007-12-29

Untitled

Oo, hindi ako ok ngayon... hindi ko din alam kung magiging happy ang New Year ko... Pero ang mga nakasulat sa ibaba ay para sa dalawampung tao sa buhay ko.


1. Nais kong malaman mo na kahit na magkalayo tayo ngayon, ikaw pa rin ang laman ng puso't isip ko.
2. Isang araw mawawala lahat ng pinaka-magagaling mong tao... makikita mo!
3. Oo, hindi ko gusto ang kinakasama mo ngayon, pero mas pinili kong manahimik dahil nirerespeto kita bilang aking ____.
4. Hanggang BWAHAHAHAHAHA ka lang!
5. Naaalibadbaran ako sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha mo!
6. Napaka-makasarili mo! Hindi ka marunong mag-alaga ng tao mo!
7. Kayo ang inaasahan kong masasandalan ko sa oras ng kagipitan ngunit kayo din ang siyang humihila sa akin pababa.
8. Huwag mong isipin na bale wala ka sa akin dahil isa ka sa pinaka-importanteng tao para sa akin.
9. Huwag mo sanang hayaang masira ang natitirang respeto na mayroon ako para sa'yo.
10. Sa lahat ng naging kaibigan ko, kayo pa rin ang is da bes.
11. Sana mapag-isipan mo nang maigi kung ano ang dapat sa atin...
12. Huwag ka nang umasa pa na magiging katulad tayo ng dati dahil mas masaya ako nung nawala ka sa buhay ko.
13. Sana makita kita ulit para mayakap ka at makausap ka.
14. Nais kong malaman mo na hindi ibig sabihn ng mumunting oras at panahon na binigay ko ay gusto ko nang matapos ang kung ano man ang meron... tayo pero kung ano man ang sinisigaw ng puso mo, tatanggapin ko yun... kasi mahal kita. 
15. Hindi kita kailangan sa buhay ko. Lumayas ka sa pamamahay ng magulang ko!
16. Magtapos ka muna ng pag-aaral mo bago mo sawayin ang magulang mo.
17. Hindi mo alam na sa tuwing nasasaktan kita, triple ang sakit na nararamdaman ko.
18. Kung sa tingin mo naaaliw ako sa'yo, pwes, HINDEEEEEEE!!!!
19. Maraming salamat sa pagmamahal na ipinadama mo sa akin.
20. Mahal na mahal kita... Sobra!



PS: Don't bother ask for whom these are, coz I won't tell you.

0 shout outs: